This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Thursday, July 2, 2009

A LOVE LETTER (isang korning pag-ibig)


Sheryl… (Puppy love) hmm… parang aso lang ah.
Rema… (puppy love lang ulit) wala akong matandaan na nahilig ako sa aso
noon.
Dominique… (ang kulit, isa pang puppy love) pangatlong aso sa buhay ko.
Angela… (pag-ibig na kaya?) aba malay ko sa’yo??
Josephine… (unti-unti nab a kong nagmamahal?) hala lagot ka! Dumedede pa yan sa tsupon.
Joyce… (no comment na nga ko. Baka sugurin ako ng mga to)

Sila ang mga babaeng dumating at nagbigay kulay sa aking buhay. Maaga akong namulat pagdating sa usaping pag-ibig. Sino nga ba ako pagdating sa mga babaeng natitipuhan ko? Sino nga ba ako pagdating sa mga babaeng gusto ko lang maging kaibigan? Malaki. Malaking-malaki ang pagkakaiba. Pero tignan nga natin kung pwede mo sabihing gusto ko lang makipagkaibigan o ligawan ang isang babae. Oh pwede rin naming baka nagkakamali ka lang sa intension ko sa isang babae.

Sino nga ba ako pagdating sa mga babaeng natitipuhan ko? (pangit ata yung ginamit kong termino. Hmm… sige ganito na lang… sa mga babaeng gusto kong ligawan)

5. Kapag lumulukso-lukso ang dibdib ko kapag kaharap ko na siya.
: Paano mo malalaman?
 kapag mistulang kuneho ang mukha ko. Isipin mo humahaba yung tenga ko. Tapos may tumutubong mahahabang hibla ng buhok sa ilalim ng ilong ko…

4. Kapag medyo malagkit na ang mga tingin ko sa kanya.
: Paano mo malalaman?
 kapag amoy biko yung hininga ko…

3. Gagawa ako ng LOVE LETTER para sa kanya.
(masyado atang makaluma ang dating. Pero ‘wag ka!! Nilalanggam ang mga pambobolang sinasabi ko sa sulat. Tapos kilig naman ang loko!!)
:Paano mo malalaman?
 Isipin mo kung pano magsulat!! Huwag ka nga lang tatanga-tanga sa mga sinusulat mo. Dahil baka isampal pa sa’yo ang pagbibigyan mo niyan.

2. Naku!! Lagi na kong magpapapansin sa kanya.
: Paano mo malalaman?
 kapag nagagalit na sya sa’kin. Nananakit kasi ako kapag hindi ako pinapansin sa mga pagpapapansin ko. Oo!! Kokontra pa eh!! Upakan kita dyan eh!!

1. Madalas mo na kong makikitang nasa tabi niya. Ayoko na kasi siyang pakawalan para maligawan.
: Paano mo malalaman?
 makikita mong punung-puno ng mighty bond ang bag ko. Ididikit ko na yung sarili ko sa kanya para sigurado.


Naisip ko. Sagutin pa kaya ako ng babaeng liligawan ko? Sa tingin ko walang mag-aakalang sasagutin ako ng babaeng to. Tignan ko lang!!! Dahil maswerte ang sino mang pumana sa puso ko. Huh!! Matigas ata to!! Pero pagdating sa kanila, lalambot ata ang matigas kong puso. Unti-unti nila akong tinutunaw. Kasabay ng pagtunaw nila sa’kin ang pagtulo ng honey bee sa salivary glands at sweat glands ko. Pati na rin ang pag-utos na milyon-milyong mga nerves na sabihin sa hypothalamus ng utak ko na dapat akong kiligin. Para bang inuutusan akong panandaliang kumawala sa pagkatao ko.

Ibang klase pala talaga akong magmahal. Maloko. Mapaglaro. May magmahal pa kaya sa’kin kapag nabasa ‘to lahat nang mga babae sa world? Pero sige, kung gusto mo ‘ko, gusto na rin kita. Magkita ta’yo sa summit ng mt. Everest. Pero gusto ko mauna ka sa taas. Ibaon mo ang banderang may sulat na mahal na mahal mo ‘ko. Pero madali naman akong kausap eh. Kapag hindi mo na kaya, text mo lang ako sa mga numerong ‘to +632.926.8632.904. Dun na lang tayo magkita sa paanan ng bundok na inakyat mo. ‘Wag ka mag-alala andun na rin si Padre na magkakasal sa’tin. Oh diba? Express!! San ka pa? dito na. Dahil sikat ka ‘pag may WOW!!! It’s a WOW country! Balik na lang tayo nang ‘Pinas. Pa-autograph tayo kay Regine Velasquez. Siya na rin ang pakantahin natin sa kasalang magaganap. Basta ikaw magbayad ng TF niya. Pati na rin lahat ng kakailanganin niya at pagkain. Gayakan mo rin ako ng magarang barong na galing sa. Ano mahal mo ko??

Sino nga ba ako pagdating sa mga babaeng gusto kong maging kaibigan?

5. Lalapitan ko siya sabay tanong. “Hoy! Pwede ba kitang maging kaibigan?” mabuti naman kung ganon.
(Naalala ko. Ginawa ko to kay Jessica Fortich ewan ko ba kung may halong Uncle Sam ang babaeng to. Pero was ka! Maganda yan. Chinitah… cheetah…)
: Paano mo malalaman?
> lalapitan nga di ba?

4. Makikita mo kong nagbibilang ng pera sa wallet ko. Ililibre ko kasi siya sa Wendy’s… Wendy’s tapsilogan at iba pa.
: Paano mo malalaman?
> kapag naglalakad na ko pauwe.

3. Ipapakilala ko siya sa ilan kong mga kaibigan.
(Lintik to ah!! Dinaig pa yung gusto kong ligawan. Haneep!!! Hmm… pero ganun lang talaga ako. Sweet friend)
: Paano mo malalaman?
> ang kulit. Ang kulit kulit!! Untog na kita sa pader eh!!

2. Masyado akong makwento.
: Paano mo malalaman?
> speechless na ko sa susunod na makakaharap. Kaya dapat ikaw lagi una. Haha.

1. Masyado na kong madaldal.
: Paano mo malalaman?
> kapag wala ng pwet ang mga manok ng kapitbahay.
Never ako nagging joker sa mga kaibigan ko. Obvious naman diba? Ang corny ng mga banat ko. Pero tumatawa naman sila eh. Tumatawa sa sobrang kakornihan. Kaya hayun, tumatahimik na lang ako. Para mahalata nilang napapahiya ako.

Pansin ko lang, sa mga sinulat ko sa itaas, pwede mo palang masabing gusto kong maging kaibigan ang isang babae kahit na ang mga kinikilos ko’y parang nanliligaw na ako sa kanya. Hmm… patunay lang yan na ipinanganak akong sweet sa mga babae. Wahahaha… sweet nga bas a mga babae o sadyang babaero lang talaga? Woooh!! Hindi rin!!

Sa totoo lang, lahat ng mga nagging karelasyon ko, isa sa kanila ang nanligaw sa akin. Nagulat ka? Sus. Hindi na nakakapagtaka pa!! Sa mukha kong to?? Haha… sa panahon ngayon? Pwede nang manligaw ang mga babae. Pero bumilib ako sa babaeng to. Hindi ko alam na matututunan ko siyang mahalin. Sa totoo lang, ayoko ng babae ang nanliligaw sa mga lalaki. Pero dahil sa ipinakita ng babaeng to, iniba niya ang pananaw ko.

Second year hayskul ako nun. Tandang-tanda ko pa. Dahil sa ako ang 1st honor sa klase, ako ang ipinanlaban noon sa Science Quiz Bee. Tapos etong babaeng to na itago na lang natin bilang isang “Mistery Girl”, ang nagging representative ng kanilang klase. Sa labas ng pintuan kung saan gaganapin ang Quiz Bee kami nagkakilala. Nagbabasa ako nun ng libro tapos kinausap niya ako.

“Hi! Ako nga pala si… (banggit ng kanyang pangalan).” At sabay nagpakilala na rin ako.

Matapos kaming magkakilala, hindi ko na siya pinansin, sa halip ay pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa.

“Goodluck nga pala mamaya para sa quiz bee ah. Balita ko magaling at matalino ka raw sa klase,’ banggit niya.

“Ah hehe… good luck din sa’yo ah” sagot ko.

Hindi ko alam kung naging suplado ba ang dating ko sa kanya. Basta ang nasa isip ko sa mga panahong iyon, ay ang nasabing paligsahan.

Nagsimula at natapos na rin ang Quiz Bee. Hindi mahirap at hindi rin naman madali. Nasungkit ko ang unang karangalan.

Nilapitan ako ni Mistery girl.

“Congratulations! Magkita tayo bukas ng uwian sa may bench”. Sabay takbo naman nito paalis.

Inisip ko, ano naman ang gagawin naming sa bench kinabukasan? Feeling close! Hindi ko na siya hinabol nung umalis siya (in what reason?). I just let them go at umuwi na lang ako.

“Pupunta ba ‘ko bukas para makipagkita sa kaniya sa bench?”

Pinag-isipan ko talagang mabuti kung kailangan ko ba talagang pumunta. Nakakahiya naman. Pero bahala na si Darna. Bahala na kung ano mangyari.

Kinabukasan, nasalubong ko sa grounds si Mistery Girl. She tap my shoulder and say…

“Mamayang uwian ah!”

Napatango na lang ako. Hindi na rin naiwasan ng barkada ko ang magatanong matapos mangyari ‘yon.

“Nak ng jueteng ka tol! Sino nanaman ‘yon? Tirahan mo naman kami ng babae. Halos lahat na ata ng babae dito sa campus nakamata sa’yo eh! Sambit ng kabarkada.

“Mga mukha kayong kulugo! Tigilan niyo nga ko! Alam niyo mejo iritado ako sa babaeng ‘yan ah. Feeling close. Akala mo kung sinong makapagtanong at mag-alok. Pasalamat siya’t may itsura siya.”

Tapos na ng klase. Malamang at uwian na. Huli na naming pinalabas ang section namin. Dinatnan ata ng menoposal stage yung teacher namin. Pinaginitan na naman kami. Kaya nang matapos kami, agad na akong dumeretso sa bench.

“Pasensiya ka na ah, huli na naman kasing pinalabas ang klase namin eh. Kanina ka pa ba dito?” Tanong ko sa kaniya.

“Ah hindi. Ok lang yun. I have just arrived. Perhaps only five minutes have been already left when I sat here.”

“Pasensiya ka na talaga ah. Teka nga pala, what’s your concern? Anything has something important to say?”

“Meron. Meron akong gustong sabihin sa’yo. Marahil ay nagtataka ka kung bakit andirito tayo ngayon. Kahapon lang tayo nagkakilala. Oo, ikaw kahapon mo lanbg ako nakilala, pero ako matagal na kitang kilala.”

“Ako? Matagal mo ng kakilala? Pero paano?”

“Marami akong pinagtatanungan, kaya marami akong nalalaman tungkol sa’yo.”

“Napaka misteryoso mo naman kung magsalita”

(panandalian siyang napatahimik. Tulala. Hindi mo maintindihan kung nagugulumihanan siya na ewan. Hindi naman siya mukhang natatae. O naiihi. Ewan.)

Tahimik niyang ibinulong ang pangalan ko. Katamtaman ang lakas para sa distansiyang kinalalagyan naming dalawa. Sapat ang lakas para marinig ko ang bawat babanggitin niyang salita.

“Mahal Kita!!!”

(gaya ng dati, tumakbo na lang siya bigla. Tinangka ko sana siyang habulin pero hindi na siya nagpahabol pa. hikhik. Sadyang ayaw ko lang)

Napa upo na lang ulit ako bigla sa may bench. Paulit-ulit na bumabatingaw ang mga huling salitang kanyang binanggit sa aking nga pandinig. Hindi ko alam kung hanggang saan magtatapos ang nasimulan naming pagsasama. Kahapon ko lang siya nakilala pero pakiramdam ko, magiging espesyal siya para sa’kin.

Araw-araw niya kong pinupuntahan, araw-araw niya rin akong binibigyan ng sulat. Akala mo kung makabigay ng sulat eh hindi dingding ang pagitan ng aming silid. Araw-araw niya ring sinasabing “mahal na mahal kita”. Halos araw-araw ‘pag nagkikita kami, siya ang lalaki. Halos araw-araw nariyan siya para ipakita niyang mahal miya ko. Walang katapusan ang oras ng panunuyo niya sa’kin ‘pag nagkikita kami sa skul.

“Bakit mo ginagawa ‘to? Bakit halos araw-araw mo kong sinusuyo? Hindi ba’t ang pangit tignan na ang babae ang nanliligaw sa lalaki?” Tanong ko sa kaniya.

“Mahal kita. Ginagawa ko ‘to dahil alam kong hindi mo ko mapapansin. Kaya ako ang gumagawa ng paraan para maging tayo”

“Maging tayo? Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kaniya.

“Tatanungin kita…mahal mo ba ‘ko?”

“Hindi kita maintindihan, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa mga babae”

“Pwes ibahin mo ako sa kanila. Esperada na kung desperada. Basta ako ipinaglalaban ko lang kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo” Sambit niya.

“Alam mo, ayaw kitang pahirapan. Pero…”

“Pero ano? Hindi mo ko mahal? Ayokong pilipitin ka, pero gusto kong marinig sa’yo na sinasagot mo na ko kahit hindi mo ako mahal. Dahil alam kong matututunan mo rin akong mahalin. Gagawa ako ng paraan para ‘dun”. Paliwanag niya.

(Hindi na ako nag-isip, masyado akong naguguluhan sa mga pangyayari. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga sinabi niyang “matututunan ko rin siyang mahalin”)

“Oo, sinasagot na kita!!!”

(Tumakbo na lang ako paalis. Naging bastos man ako sa kaniya, wala na kong magagawa pa)

Lumipas ang oras, araw, buwan at panahon, naging normal ang pagsasama naming dalawa bilang magkasintahan. UNTI-UNTI NIYANG TINUTURUAN ANG PUSO KONG MAGMAHAL. Sinulatan niya ko para sa limang buwan naming pagsasama.

Dahil sa parang kaibigan din ang turing namin sa isa’t isa, “Pare” ang tawagan naming dalawa. Nakakatuwa nga eh. Pero bago niya ibigay yung sulat. Kinanta namin yung theme song naming dalawa. Sabay kaming nagbilang hanggang tatlo habang yakap ang bisig ng bawat isa…at sabay awit ng…


When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I’ll be your strength,
I’ll be your hope,
Keeping your faith when it’s gone
The one you should call,
Was standing here all along…

And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
‘till the day my life is through
This I promise you
This I promise you…

Nagkatitigan kaming dalawa. Sabay hinalikan ko siya sa mga namumula at maninipis niyang mga labi. At sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. Ayaw ko na siyang bitawan. Ayaw ko na ring matapos ang gabing yaon. Bago kami magkahiwalay, binigyan ko siya ng isang lupon ng mga mapupulang rosas at kakabit ng isang nakarolyong liham. Kapalit ng aking pag-abot na iyon, ay binawian niya ako ng halik at isang liham na nakapaloob sa isang sobreng halatang pinagkagastusan.

Agad kong binasa ang liham pagdating ng bahay.


March 14, 2004

To my ever dearest “PARE”

First I just want to say hi! Hello! I know and you know how much I LOVE YOU and even though there are times we misunderstand each other, every moment I spent with you are the best treasured times in my life. I’m very glad that you’re here beside and I thank the Lord for giving you to me. I hope that you won’t change and I hope that you’ll forever be like that ang whenever I feel lonely, please smile for me coz’ it really makes me feel happy again. I know that I’m not a perfect girlfriend and I know that there are times that I too commit mistakes, I just hope that whatever happens, you’ll always there beside me and I will always solve our problems together.

Long hve I benn searching for a person who is kind, hearted. A person that will love me for what I am, I guess I found that person!!! IN YOU!!! Thanks for all the love and care you are showing me, “sana hindi ka magsawa”. You’re the very person that gives me strength and inspiration, you’re that person that I cherish and forever shall hold, you’re my everything and I hope that you’ll stay with me forever!!! I know that sometimes “makulit ako” and sometimes very stubborn, I thank you for the times you were there for me and I thank you for the times you hold me in your loving arms. Alam mo there are times that I would think “what am I now without you? Can I this be happy without you?” But you know the answer is deep whithin and I know that no one could ever replace you here in my heart…siguro nakakainis ako, kasi sometimes ‘di ako open sa’yo, laging may problem, very makulit, pasaway, isip bata, baby talk at crying baby! BUT I CANNOT LIE TO MYSELF HOW MUCH I NEED YOU IN MY LIFE. I’m very much afraid siguro that someone might take you away from me, I’m afraid siguro that someday you’ll lose your love for me, I’m very sorry if sometimes I hurt you by the words I say, I’m sorry by making you feel that I’m not the same. You’ve given me a special gift I’ll always cherish. THE GIFT OF LOVE. The love that you’ve given, change me a lot. For me nothing will ever change. Between the both of us. I NEED YOU HERE IN MY LIFE. Pls. don’t evr let go. I need your smile and the special love that we shared. I wish na san magtagal pa ang relationship natin. More on…let’s renew our love, let’s be the best that we can be!!! Although…!!! The warmth of your embrace is the only thing I need to move on that happines that we shared are the most joyous moments in my life. I LOVE YOU!!!


HAPPY 5TH MONTHSARRY!!!
I LOVE YOU! TAKE CARE!

Always love and care,
Your PARE


Pagkatapos kong basahin ang sulat niya, tinabi ko agad sa isang kahon na nagllaman lang ng puro sulat niya. Halos mapuno na ang kahon.

Heto, ang liham na ibingay ko sa kaniya. Gumawa ako ng isang tulang makakapagsabi kung gaano siya kahalaga sa aking buhay.



March 14, 2004

Dear “PARE”

Just a short poem for you.

Little did I realize
The first time we talked
That one day I would tell you
“I love you more than life itslef”

Little did I realize
The first time I hold you
That one day I would come
To need you so much

Little did I realize
The first time I kissed you
That one day you would become
the most important person in my life.

There was so much I did not realize
Until I met you…
But now that I have,
I know that I want you,
I need you and I LOVE YOU ALWAYS!!!

HAPPT 5TH MONTHSARRY

Your “pare”


Natulog na ko ng gabing yaon. Kinuha ko yung mp3 ko at magdamag kong pinatutog ang kantang “THIS I PROMISE YOU”

…’Till the day my life is through…
…THIS I PROMISE YOU!!!
…THIS I PROMISE YOU!!!

~wakas~