This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Friday, May 8, 2009

PLUMAHE




“Ipagpapatuloy ko ang pagsusulat. Ipagpapatuloy ko ang talento at pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos para makapagsulat. Marami pa kong mahahawakang iba’t ibang klase ng pluma. Marami pa kong papel na gagamitin para pagsulatan. Dito ko nahanap ang kaligayahang matagal ko nang pinapangarap. Dito ko huhubugin ang aking isipan at pagkatao. Hindi sa kalayaan kong makapagsalita kundi sa paghawak ng aking pluma.”

Nakakasawa naman ang pang araw-araw kong routine. Paano ko kaya malalagyan ng kakaibang twist ang aking kwento? Magbakasakali kaya akong magsulat? Hmmm…may maisulat naman kaya akong maganda at kapakipakinabang? Pero magandang ideya yun ah! Minsan ko lang gagawin ang mag-feeling kwentista. Kaso napapagod na ko, pagod na pagod ako sa mga pangyayaring hindi ko maipaliwanag. Ay puta! Shit! Gago talaga ‘tong mga asong ‘to. Kung saan-saan nagkakalat ng dumi. Naman! Tsk tsk! Mejo mahaba pa ang lalakarin ko hanggang sa sakayan ng Cubao. As usual, routine ko ang paglalakad pauwi. Minsan naisip kong magsawa sa mga ginagawa ko. Hindi maiwasan eh. Pero ganun talaga. Haaay…buhay estudyante nga naman. Kakabit dito ang paglalakad. Masyadong naaabuso ang mga paa ko sa paglalakad. Pero wag ka mag-alala, walang kinalaman ‘to sa kwento. Sadya nga lang nakakaramdam ako ng pagkapagod at panlulumo sa tuwing tatahakin ko ang aking daan pauwi. Ngunit bago pa man ako tuluyang mahimatay sa sobrang pagod, gaya ng gusto kong mangyari ulet, hahawak ako ng pluma.
“Ma, bayad nga ho. Isang Cubao. Estudyante.”


Ramdam ko kung gaano at paano kami nabibilang sa malaking bahagdan ng populasyon ng bansang may pamilyang nagugutuman. Laki man ako sa pamilyang may masasarap na kayang maihain sa hapag kainan, madali naman itong naagaw ng mga may kayang umalipin sa amin. Mag diyos diyosan sa lipunan na ang ikinabubuhay ay ang yaman ng iba.

“Manong, bayad daw ho.”

Subok na manggagawa ang tatay ko. Kayod kalabaw sa pagtatrabaho. ‘wag lamang niyang makakaligtaang gumamit ng nebulizer bago sumabak sa trabaho. Tiyak, hihingalin siya. Sing bilis naman ng pagong ang pagtakbo ng oras ng Nanay sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa. Halos di matinag at ayaw nang umuwi para tuloy tuloy ang suntento sa pamilya. Mabagal. Nakakainip. Sabik na sabik akong mayakap siya.

Lima kaming magkakapatid. Si Jennifer na nakapangasawa na may asawa ng iba, si Jennilyn na may sarili ng pamilya, si Alvin na ipinagpalit ang pag-aaral para sa barkada, ako na siyang bida sa kwentong ito at kasalukuyang nasa kolehiyo at suwail na anak at ang bunsong si Jason na walang ginawa kundi ang pikunin ako sa kakulitan.

“Manong, para lang ho sa tabi”
Araw-araw kong nilalakad ang overpass sa cubao. Ang kwadradong daan na nagdurugtong sa destinasyon ng aking mga pangarap. Mabibilis ang mga sasakyang naguunahan sa ibaba, kasabay ng mapanghing amoy ng hangin na nasasalubong ko sa aking nilalakaran. Tumutunog ang mga basong may lamang kaunting barya. Doon di’y makikita ang alagad ni BF sa di kalayuang lugar.
“Manong bayad ho, isang Tungko. Estudyante”

Haay…sa wakas. Ang hirap talagang makipagsiksikan sa terminal na ‘to. Rush hour talaga. Napabuntong hininga na lang ako sa pangyayari. Pinagmasdan ang maalinsangang kalye sa bintana aking kinauupuan. Isinandal ang likod at ipinikit ang mga matang namumungay.

“Jepoy! Handa na yung baon mo. Ilagay mo na ‘to sa bag mo. Magdali ka at baka mahuli ka sa klase mo”. Sambit ni Inay.

“Opo nay! Nariyan na po. Nay, mahirap ba yung mga araling ituturo ni Titser? Tanong ko kay Inay.

“Hindi naman anak, kaya mo ‘yan anak! Ikaw pa! nag-aral naman tayo kagabi ng mga aralin mo di’ba? Oh sige na, pahatid ka na sa tatay.”

“Sige ‘nay! Sarapan niyo ang pagluto ng uulamin naming mamaya ah”. Paalam ko kay Inay.

Nasa private school kameng lahat na magkakapatid. Kasabay ko sila ate at kuya sa pagpasok sa iskwela. Kapag maaga pa at wala pang teacher, nagpupunta muna kami ni kuya sa playground. O kung di kaya’y binibisita naming sila ate sa mga klase nila at ‘pag nagkataong wala pa silang teacher, niyayaya naming sila. ‘Yun nga lang, madalas silang tumanggi kasi may mga kasama silang kaklase. Sa pagkakataong ‘yon, dumederetso na kami ni kuya sa kanya-kanyang klase.

Masaya pala ang buhay estudyante. Bukod sa naeenjoy ko ang aking sarili, ang dami ko pang natututunan. Kung tutuusin, bago pa man ako mag-aral, marunong na kong bumasa at sumulat. Sadya kasing ginagampanan ni Inay ang mga responsibilidad niya sa amin bilang isang Ina. Maaga niya kong pinahawak ng anumang uri ng panulat. Nabigo man siyang itama ang pagsusulat ko sa kaliwang kamay, natutunan ko namang mahalin ang paghawak nito.

“Good Morning grade 1 St. Charles. My name is Ms. Madelyn Pae”. Sambit ng aming guro.

“Good Morning Ms. Pae!”

Whole day ang pasok. Harsh para sa isang elementaryang tulad ko. Dalawang beses ang break time naming. Breakfast at lunch. Lagi kaming pinapabaunan ng nanay ng pangbreakfast. Kaunit lang ang inilalagay niyang pagkain kasi may lunch pa naman kami mamaya. Dahil saw ala akong lunchbox, sa isang lalagyan n’ya lang inilalagay ang pagkain at saka isinisilid sa supot. Bago pa man magumpisa ang klase, lalabas muna ang lahat. Pipila ng maayos sa corridor para isagawa ang pangaraw-araw na flag ceremony.
At pagkatapos nun, kanya-kanya na kaming kuha ng rosaryo sa bag para idasal ang bawat mistery nito. Tiyak na mapapagalitan na naman ako ni teacher, madalas kasi akong makatulog. Madalas pagkatapos naming magdasal, lagi akong naiiwang nakayuko. Matagal na pagkakayuko. Hanggang sa makarinig na lang ako ng malakas na hampas ng libro sa desk ko.

“Amen!” at sabay sermon ni teacher.
Umpisa na ang klase. English ang first subject namin. Para maiwasan ang maagang paglalapang ng mga gahamang alagad ng batas sa silid-aralan. Utos ni Ms. Pae na ilagay ang mga lunchbox sa gilid ng pader. (ayos talaga ‘tong si teacher. Haha. Hindi na maagang mauubos ang baon ko) wala nga pala akong lunchbox, pero hindi siguro problema ‘yun. Ilalagay ko na lang sa dulo yung baunan kong nakasupot. Sinisiguradon talaga ni teacher na walang matitirang pagkain sa bag namin. Iniinspeksyon. Halos maubos nga ang oras namin ng dahil dito eh. Kung bakit naman kasi may mga alagad ng batas na sadyang gahaman akong kaklase eh. Pati tuloy yung klase nagagamabala. At para naman hindi masayang ang oras ko, nagsususlat at nagdodrowing ako ng kung anu-anong bagay. Mabilis maupod ang lapis ko. Kawawa sa kaliwang kamay kong pagkadiin-diin kung sumulat. Gumagana na naman ang imahinasyon ko. Pangunahing karakter sa mga idinidrowing ko ang mga kaklase ko. May kanya-kanyang deskripsyon at posisyon. Present si Mayor. Gayundin si Vice mga konsehal at Congressman. Sa susunod, mga karakter na sa kamara ang mga pangunahing tauhan ko.

“Where is your lunchbox?” Tanong ni Ms. Pae.

“Heto po teacher, I don’t have lunchbox” sambit ko sa kanya.

“O sige, lagay mo na ‘yan ‘dun”

Mahigit kalahating oras pa tatakbo ang klase. Tiyak maraming ituturong aralin si Ms. Pae. Marami na naman akong matututunan at masusulat sa notebook ko.

“Our lesson for today is about Rhyming words”
“Rhyming words?” tanong ko sa aking sarili. Hmmm…mukhang mabubusog na naman ang utak ko ah.

“Rhyming words are words with the same ending sounds”. Paliwanag ni teacher.

“For example, PAT-SAT, MAD-SAD, SCHOOL-COOL, BOARD-BORED”. Dagdag pa nito.

Madali lang pala ang lesson namin ngayon. Sana ganito lang din kadali ang mga susunod naming aralin. Isa-isa kaming tatawagin para magbigay ng halimbawa ng rhyming words. Haaay…sistema talaga ni teacher Ms. Pae oh. Ang bagal-bagal. Ang bagal ng paraan ng pagtuturo. Sana naman marami pa siyang maituro.

“Ano?? Limang minuto na lang ang oras na natititra? Next subject na? nakukulangan naman ako sa sa aralin!. Haayy.. bahala na,. magsusulat na lang ako”. Sambit ko sa aking sarili.

Aktibo ako sa klase. Laging nagrerecite. Bibo at may kapilyuhan din. Bukod dito, sipag-sipagan din ako sa klase. Katunayan nga eh nakuha ko ang “Most industrious award”. Hindi ko nakuha ang karangalan na to ng dahil sa nagpaalipin ako. Sadya lang na maaga akong dinisiplina at tinuruan ng tamang pag-uugali ng aking mga magulang.

Kriing! Kriing!

Hindi ‘yun tunog ng telepono mula sa opisina, kundi hudyat ng breakfast time
namin. Sa wakas ay makakalapang na ang mga alagad ng batas.

“Goodbye class!” Sambit ni Ms. Pae.

“Goodbye and thank you Ms. Pae! Thank you for teaching us, I’ll study my lesson tonight. God bless us!”

Kanya-kanya nang kuha ng lunchbox. Hinayaan ko muna sila at pumunta muna ako sa cr para umihi.

Pagbalik ko, sobrang ingay ng mga kaklase ko. Kahit kumakaen sige pa rin sa pakikipaghuntangan. ‘yung iba nambuburaot ng baon. Yung iba naman, nagpapaburaot. Hay naku! Makakain na nga.

“Ano?? Nasaan na yung baunan kong naka supot?? Napakaloko talaga ng mga kaklase ko! Hindi na sila naawa sa patpating gaya ko.

Dali-dali akong nagpunta sa harapan para ipagsigawan kung sino ang kumuha ng baunan ko. Walang umiimik. Tila mga binging walang alam sa pangyayari. Hindi ko naman matukoy ang baon ko dahil hindi ko rin alam ang inilagay na baon ni inay. Kaasar! Pinuntahan ko si teacher para magsumbong sa pangyayari.

“Teacher! Teacher! May kumuha po ng baunan ko!” sumbong ko kay teacher.

“Huh? Bakit? Saan mo ba inilagay ang baunan mo?” tanong ni teacher.
“Doon po sa dulo, dun po malapit sa basurahan.” Buong galang kong pagsagot.

“Ano? Baunan mo bay ‘yun? Naku iho, akala ko basura kaya itinapon ko sa basurahan. Magdali ka dahil ngayong oras kinukuha ang mga basura sa bawat silid”

“Waah! Bakit niyo tinapon! Huhu”

Dali-dali akong bulmalik sa silid sa pag-asang maabutan ko pa ang garbage collector ng school. Pero nabigo ako. Nakuha na ang mga basura. Anong gagawin ko! Haay…

Dismayado akong nagpunta sa canteen. Wala na kong nagawa kundi bumili ng makakain. No choice na ko. Babawi na lang ako ng kain mamayang lunch.
Kriing! Kriing!

Tapos na ang break time. Pupunta na ko sa room. As usual, tatamarin na naman ako sa susunod naming subject. Nakakatamad kung magturo ang susunod naming guro sa Filipino. Lumalabas pa naman ang kapilyuhan ko kapag tinatamad ako.

Haay…. ‘di bale, isang oras na lang eh lunch break na. hmmm…eto na naman ako. Umaandar ang kapilyuhan. Haha. Akala ni Ms. Ragasa nakikinig ako sa kanya. Wala talaga akong magawa. Ewan ko ba kung bakit tamad na tamad ako sa mga oras na ‘to. Haay…

“At-ang-pam-ban-sang-ba-ya-ni-ng-Pi-li-pi-nas-ay-si-Jo-se-Ri-zal” sambit nito.

Lintik ‘yan. Sino ba namang estudyante ang gaganahan sa pagtuturo niya? Hindi na kami Prep para makabasa ng isang pangungusap ng ganyan kabagal. Anak ng tokwa naman ‘to si tister oh!

“Five, four, three, two, one…Kriing! Kriing!

Lunch break na! sa wakas at makakakain na ko ng masarap na luto ni inay.

Dali-dali akong nagtungo sa open canteen kung saan naghihintay si mama. Kasabay ko namang kumain sila ate at kuya. Sinigang na baboy ang ulam! Naku! Mapaparami na naman ang kain ko! Love ko talaga si Inay! Kainan na!

Habang kumakain kami. Ikinwento ko yung pangyayari kanina. Kaya naintindihan ni Inay kung bakit ako gutom na gutom.

Paboritong oras ko ang lunch break. Bukod sa kakain ako ng masarap na putahe ni Inay, bibigyan nya kami ulit na allowance para kung sakaling gutumin kami, bibili na lang kami ng makakain. Sa pagkakataong ‘yon, lagi akong bibili ako ng paborito kong nerds. maron yung dalawang flavors. Cherry at green apple! Hehe…paborito ko talaga.

Kriing! Kriing!

Naku, tapos na ang oras. Nagpaalam na ko nay Inay kasama na mga kapatid ko. Masaya akong bumalik sa silid-aralan. Bitbit ko ang nabili kong nerds sa open canteen. Hala sige. Habang nagkaklase si titser, walang tigil ang pagkaen ko sa paborito kong

nerds. kahit na alam kong bawal, patago kong kinakain ito.

Tahimik na nakikinig ang lahat sa itinuturo ni titser. Lahat bukas ang tainga. Lahat sarado ang bibig. Maliban sa’kin. Maya-maya’y hindi ko alam pinagmamasdan na pala ako ni titser.

“Akin na yang kinakain mo” utos ni titser.

“Opo, heto na po”

Buong takot kong ibinigay ang paborito kong nerds. hanggang sa pag-uwi hindi ko na nakuha pa. haaay…yung paborito ko pang nerds ang kinuha.

“Boss, excuse me po. Nasa Tungko na tayo”

“Ay manong, pasensya na po. Salamat po”

Natuto akong humawak ng pluma hindi dahil sa mga naging guro ko sa paaralan kundi sa gabay ng aking Ina. Maaga niya kong pinahawak ng anumang panulat na bagay. Kahit makadrowing ako ng may bilog na bubong ng bahay, siya ang nagturo at gumabay sa akin kung paano ito magiging tatsulok.

Paborito kong parte ng pag-aaral ang pagsusulat. ‘pag nagsusulat ako pakiramdam ko mas malaya ako sa lahat ng uri ng ibong lumilipad sa himpapawid. Pakiramadam ko



maraming nakikinig sa’kin. ‘Pag nagsusulat ako, absent si Mayor. Gayundin si Vice, mga konsehal at Congressman. Absent din ang mg pangunahing tauhan sa kamara. Walang kumikilatis sa’kin kapag hawak ko aking pluma.

Maaari ngang patapos na ang araw ko. Malapit na kong makauwi sa bahay. Nakababa na rin ako sa bus na aking sinakyan. Lalakarin ko na lang ang mahigit isandaang metrong distansya ng bahay mula sa kinatatayuan ko ngayon. Maipapahing ko na rin ang mga napapagod kong paa. At sa bawat pag-hakbang nito, naghihintay ang magandang bukas na muli kong sisimulan sa pamamagitan ng muling paghawak ng pluma.

Magsusulat ako.

Friday, May 1, 2009

AKO mismo...


Ako si JESUS BELLO GUINTO oh
Mas kilala sa tawag na JESSIE at JEPOY. EstuDyaNTe muLa sa UNiBerSiDad na UTAK ang LAGing pinapaGANa at hiNdi aNG yamAN ng BuLsa. Ang POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP) sa Sta. MesA, ManiLa. MuLa sa koLehiYo ng mGa fuTure MeDia PRActiTiOners (KOLehiYo ng KOmunikasYon). KumukuHa ng kurSoNg maghahaTid sa akiNg mga pangArap at humuhuBog sa aking Mga kakaYahan biLang tagaPangpangArap sa MUnDong iTo, ang BATSILYER NG KOMUNIKASYONG PANANALIKSIK (BacheLor's DegreE in COmmuniCaTion ResEarch).

*Matangkad, chinito (raw), singkit (favOriTe part ko ng mukha ung maTa koh, waLa Lang). KiLLer smiLe (daw). MadaLas Lang akOng nakangiti. May pagka magulo kung minsan (madaLas aTa, LaLo na 'pag kasAma kOh mga KAibigAn kOh). Outgoing perSon. Game akOh sa mga outdoOrs activitieS. MahiLig akong paganaHin ang uTak kOh. I Love trivias and BRAin tisSerS. PinapaganA KOh ang utak sa LAHat ng mga bagaY na masarap bigYan ng sOLusYon. MabusiSi ako sa mga bagOng impOrmasYong naLaLaman koh. PuNong punO AKo ng pangarAp sa buhaY.Open sa Lahat ng bagaY. Bukas at maLawak ang akiNg pag-iisip. LahaT Na ata pinapangaRap koh na. CoOL kasama. Yun nga Lang, hinDi akO MARunong mag-joke. PerO Asahan mung mapapataWa kiTa dahiL Sa kakaibaNg epekTo ng paghagaLpak kOh. HiLig ko ang manuod ng mga
dokYu. PangarAp kong makagaWa ng isAng makabuLuHAng dokumentarYo na mapapanUOd ng karamihaN. (Yung unaNg nagawa kONg dokYu, nasa pangangaLaga ng GMA7. Hndi mang pinaLad na manaLo, naging dokuMenTariSTa naman akoH). IdoL koh ang LAHAT ng mgA DOkumentarisTa. Batikan man oh hindi, LahaT SiLa hinahangaan kOh. MahiLig din akOng kumuha ng mga makabuLuhang LArawan. PaboriTo kOng subjeCt ang mga baTa at ang kaLikasan. Sa mga baTa koh nakikiTA ang kasiMpLehaN NG buhaY. Sa kaLikasan ko naman naKikiTa ang kagandAhan at mga biYayang natatanggaP KOh sa buhaY. PasSiON Koh ang THEATER ARTS. Ibang kaLigaYahan ang haTiD NiTo sa akin LaLo na't napapasaYa ko ang MGA ManunuOd koh. MaruNong akOng kumaNta. MaLamig (raw) pakinggan AnG BOses kOh. BuhaY KoH Naman ang MUSIKA. FrustRateD AKong makabuO Ng sariLing banDa. VocaList o gitariSta, pwde na sa'kin. Hindi akO kagaLinan sa pagtugtog ng giTara, matagaL na kasi akONg hindi nakapagaraL Ng pyesa ng mga bagOng kanta. Pero maY iLan naman akong aLam na tugtugin. MahiLig din akOng magsuLat. Kakaibang kaLayaan ang nararamdaman koh kapag nakahaWAk akO ng pLuma. Pangarap kOng maLinYA ANG pangaLan koh sa mga baTikang manunuLat ng bansa gaYa ni Jose RizaL, Ricky Lee, Jessica Zafra, Bob Ong, atbp. PagsuLat ng mga sanaYSaY AT ng mga maikLing kwEnto ang madaLas kOng isuLat. Isa akOng manunuLat na nangangarap na maunawaan ng baWat indibidwaL Sa mundo ang mga isinusuLat koh. MadaLi LANg akOng pakisamahan. 'wag ka LANg mahihiYang LApiTan akO. AkO YUng taOng HANDANG PAKISAMAHAN AT MAGING KAIBIGAN KA sa abOt ng aking makakaYa.