This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Saturday, August 29, 2009

PLeasE hEar what I'm nOT saYinG

By Charles Finn

Don't be fooled by me. Don't be fooled by the face I wear,
for I wear a mask. I wear a thousand masks.
Masks that I'm afraid to take off, and none of them are me.


Pretending is an art that's second nature with me,
but don't be fooled, for God's sake, don't be fooled.
I give you the impression I'm secure, within as well as without,
that confidence is my name and coolness my game,
that the water's calm and I'm in command, and that i need no-one,
but don't believe me. Please.


My surface may, seem smooth, but my surface is my mask,
my ever-varying and ever concealing mask.
Beneath dwells the real me in confusion, in fear,
in aloneness. But I hide this. I don't want anyone to know it.


I panic at the thought of my weakness and fear being exposed.
That's why I frantically create a mask to hide behind,
a nonchalant, sophisticated facade, to help me pretend,
to shield me from the glance that knows.
But such a glance is precisely my salvation. And I know it.


That is, if it's followed by acceptance, if it's followed by love.
It's the only thing that can liberate me, from myself,
from the barriers that I so painstakingly erect.
It's the only thing that will assure me of what I can't assure myself,
that I'm really worth something.


But I don't tell you this, I don't dare. I'm afraid to.
I'm afraid your glance will not be followed by acceptance and love.
I'm afraid you'll think less of me, that you'll laugh,
and your laugh would kill me.


I'm afraid that deep down I'm nothing, that I'm no good,
and that you will see this and reject me.
So I play my game, my desperate pretending game,
with a facede of assurance without, and a trembling child whithin.
And so begins that parade of masks. And my life becomes a front.

Saturday, August 22, 2009

NapaTaWad ka Na NaMiN


Kung bakit wala itinuro si Alcantara’y
‘di ko alam.
Sa mga pagkakataong ako’y nasa kanyang klase’y
wala akong magawa.
Depenisyon ng Etiketa’y di namutawi, Etiketang
imoral patuloy sa pang-aasar.
Kung kaya’t ang kaalaman sa tinaguriang asignatura’y
nananatiling upos na pluma.
Daig pa ang lapis na mapurol pagkat natatasahan
siya’y bula, lumisan, bastusan.
Oh anong linlang ng ‘yong kaalaman
ang sa ami’y hated.
‘Wag mong panindigan o tuluyang patunayan
na sa pagtanda ng tao’y nakakalimot na.
‘Pagkat ang ‘yong bakas na minantsaha’y
patuloy na sasariwain ng aming isipan.
Naisip ko nga. Noon panahong iyon, di ka ba kinidlatan?
natalisod sa bato o nakagat ang sariling dila?
Yaman din lamang na ika’y nagdala ng isang
Delubyo sa aming buhay-pag-aaral,
Delubyong anino, puti ang kulay.
Aanhin namin ngayon ang ‘yong grading bigay?
Dahil sa huli’y hindi ikaw ang
magdidikta ng aming kapalaran.
Marka’y kambal mo, numero mismo.
Pinagbilang mo lang kami ng oras at araw nag into.
Sadya ngang naligaw ang aming landas
nang tayo’y nagkasalubong sa daan.
At ako’y nagigimbal sa tuwing napag-uusapan
sa asignaturang Etiketa, anong natutuhan?
Kaya’t ng aking lisan at suungin ang
bagong liwanag ng aking landas,
Klaskards na uhaw, silya mong naiwan, araling nagtampo---
lahat nagsusumamo.
Bilang ganti, tahakin mo ang nambubulabog
naming pangongonsensya sa’yo.
Ngunit wag kang magmukmok kung mabasa mo ito
di ka nag-iisa, sa pamantasan, maraming gaya mo.
Ngunit ang ikaw ay mananatiling ikaw
Gayong mga estudyante mo’y patuloy na
makikibaka sa karapatang pang-edukasyon.


Agosto 20, 2009
-naisulat ang tulang ito sa aklatang-bayan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kasama ang malikhaing pag-iisip ni Jerome P. Lucas.

Thursday, August 20, 2009

TanGba LiwBa




~Hindi ako titigil, minsan na ‘kong nangarap, kumilos at nabigo. Kung sa panaginip ko lang makikita at mararanasan ang mga mgagandang bagay, muli kong ipipikit ang aking mga mata. Kasabay ng pagkawala ng aking ulirat, ay ang panadaliang pagsukob at pagkalimot ko sa mga hindi kaaya-ayang bagay. At hanggang sa huli, sarili kong pagkatao ang huhusga sa mga kasamaang bagay na aking ginawa at maging sa kung ano ang narrating ko sa buhay.~
“Totoo ngang wala sa tagal ng pagsasama nasusukat ang tunay na pakikipagkaibigan, kundi sa kung ano ang mga napagsamahan ng bawat isa kahit sa maigsing panahon lang”
Napatunayan ko ‘to nang minsang tumuntong na ‘ko ng kolehiyo. Hindi ko sukat akalaing sa kabila ng pagiging abala naming bilang estudyante ay makakapagsaya kami sa kakarampot na pagkakataong ibinigay sa amin. Natuto akong kumilala at kumilatis sa mga taong alam kong hindi ako mapapahamak. Napatunayan kong hindi pala lahat ng nais kong pakisamahan ay gusto rin akong maging kaibigan. Kaya madalas ang nangyayari, nagiging plastic sila sa’kin. Basta ang alam ko hindi lahat ng tao ay gusto akong pakisamahan.
***
Masaya na ‘ko sa kung ano ang estado ng buhay ko ngayon. Oo, minsan ‘din akong nangarap na maging marangya ang aming buhay. Pero dahil sa may mga kaibigan akong totoo sa akin, natuto akong tanggapin ang mga bagay-bagay na kung ano ang meron sa’kin. Hindi na ako masyadong mapaghanap sa mga materyal na bagay na dati-rati’y kinaiinisan ko ‘pag hindi ko nakukuha. Bagay na gusto kong baguhin at ituro sa sarili na hindi na mahalaga ang bagay na anumang gustuhin kong luho sa buhay.
Sa pagkakataong ‘to, naisip ko marunong pala akong gumamit ng bolpen at papel, hindi para magsulat ng mga nakalilitong equation sa Math, magsulat ng assignment at gumuhit ng larawan kundi isulat ang mga nais kong sabihin sa malinis na papel. Naitanong ko rin sa sarili na hindi naman ako isang manunulat para gumawa ng mga ganitong bagay. Pero dahil sa tao lang ako, haha! Karapatan ko rin ang ipahayag ang aking saloobin sa pamamagitan ng pagsusulat.

“Books choose their authors; the act of creation is not entirely rational and conscious one.”
- Salman Rushdie

Hindi ako mahilig magbasa ng libro. Pero dala na rin ng pagiging mahilig sa ilan kong mga kaklase rito, natuto akong mahalin ang bawat pahina ng librong binubuklat ko. Sinimulan kong basahin ang mga libro ni Bob Ong. Not bad para sa mga nagsisimulang gaya ko. Hindi ko lubos akalaing mahihilig ako sa pagbabasa ng mga nobela niya. At dahil dito, nagsimula na kong mangarap na makalathala ng sarili kong libro balang araw.

***

Hindi ko lang pala sa tawanan, iyakan, harutan at problema makakasama ang aking mga kaibigan. Hindi ko namamalayan na marami na pala akong bagay na kaya kong gawin bilang isang manunulat at kaibigan sa kanila. Sa bawat paglapat ng bolpen ko sa papel, tinta ang nagsisilbing dahilan para maiwan ang mga letrang nais kong banggitin sa mga mambabasa, gaya ng pakikipagkaibigan, ala-ala ang nagsisilbing marka para sa mga maliligayang sandali ng kanilang napagsamahan.
Sa mga oras na ’to, makatanggap ako ng text mula sa isang kaibigan. Hango sa librong nabasa ko na – “Stainless Longganisa” ni Bob Ong.
“Kung may pagkukulang sa’yo ang mga magulang mo, puwede kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka…
…sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili”
Napatigil ako na napaisip sandali, at sabay mababasa mo sa mga susunod na salita. Kung tutuusin simpleng rebelde akong anak at kapatid sa pamilya. Wala akong hinagad kundi ang maging Masaya sa piling ng aking pamilya. Wala akog hinangad kundi ang kakitaan ko sila ng pagmamahal sa akin. Wala akong hinangad kundi ang kaligayahan nila bilang isang pagiging pamilya. Wala akong ibang hinangad kundi ang muling malapit ang pamilya ko sa Diyos. Pero ang lahat ng ‘yon, hindi ko naranasan. Nagyari man ang lahat, sa maikling panahon at oras lang. Talaga palang kulang na kilang ako sa pansin. Nagpapasalamat na lang ako dahil may mga kaibigan akong nahihingan ng tulong at payo.

“As we go on, we remember all the times we had together. And as our lives change, come whatever, WE WILL STILL BE FRIENDS FOREVER!!!”

Isa lang ‘to sa mga txt na hango sa kantang madalas kong natatanggap sa kaibigan. Hindi ko talaga alam kung bakit pagdating sa kaibigan, maluwag ang loob ko. At kapag may nang-away, todo-todo ang pagtatanggol ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit. Hindi kaya sa kanila ko nakita ang pagmamahal na hinahanap ko sa pamilya? Hindi kaya dahil sila ang nagturo sa aking kung ano ang tunay na pamilya? Hindi kaya dahil sila ang madalas kong makadaupangpalad? Hindi kaya…hindi kaya…hindi kaya dahil sa wala akong masabi dahil sila ang pamilya ko? Ewan!!! Miski ako hindi ko rin naman alam at maintindihan. Basat ang alam ko, Masaya ako kapag kasama ko sila.
Hindi ko namamalayan, masyado na palang malawak ang akiong pag-iisip. Bagay na puhunan ng isang manunulat. Pero sige, dahil sa sinisipag magsulat ang kaliwa kong kamay, makaka-asa kang mahaba-haba pa ang oras na lalakbayin mo para mabagot sa pagbabasa.
Bigla ko lang naisip. Just at this very moment, marami palang nagagawa ang katamaran. Ilohikal man ang aking pagkakasabi, pero totoo. Maghahanap ka ng bagay na makakawala ng pagkabagot mo. Gaya ko, dahil isa akong batang walang magawa sa buhay, kumuha ako ng bolpen at papel para magsulat ng walang kakwenta-kwentang bagay. Pero bahala ka na. Kung gusto mong kumuha ng kopya neto, magpa-photocopy ka tapos punitin mo sa harap ko. Patunay na hindi ako kagalingan sa pagsusulat. Nagsusulat lang ako para maibsan ang pagkabagot ka. Walang magawa eh!
Bukod sa pagpapalipas ng oras, araw at panahon, wala na ‘kong ibang hinihintay kundi ang pagbabalik ng oras ng pag-aaral ko sa ‘skwela. Bukod sa pagsusulat ko sa loub ng magulong bahay, (ayan, nakakarinig na ko ng iyak ng bata a sigawan ng mga naghaharutan kong pinsan at kapatid), sa Maynila kung saan ako nag-aaral, umiikot ang mundo ko. Magulo, mainit, mausok pero dito ko ngayon hinuhubog ang akig pagkatao bilang preperasyon sa hinaharap. Tsaka bukod ditto, narito rin ang pamilya ko – ang aking mga kaibigan (pumasok na ko ng kwarto, ang gulo-gulo sa labas).
Masarap pala sa pakiramdam ang maging isang manunulat. Manunulat sa sarili mong pagkatao. (wooh! Feeling masyado!) Malaya ka sa mga nais mong sambitin. Malaya ka kung gusto mong manira ng tao. Make sure na Libel check mo ‘to nang di ka makasuhan. Malaya ka sa mga bagay-bagay na gusto mo at ayaw mong ibunyag. Malaya ka dahil walang magdidikta para sa’yo kung ano ang dapat mong isulat. Iyong-iyo ang oras mo. Pero sa bandang huli, huhusgahan ka ng iyong mambabasa kung anong pwede nilang gawing panlalait sa ginawa mo. Hmmm… handa na ‘ko.
Hindi ko alam kung saan patungo ‘tong pagsusulat ko (ikaw baa lam mo?). pakiramdam ko nagsasayang lang ako ng tinta ng bolpen ko. Kaya kung bagot ka na talaga, pinapaalalahanan kita, pwede mo ng itapon ang papel.
***
Madaling humanap ng tunay na kaibigan, huwag ka nga lang maging mapili o maselan. Higit kong nauunawaanang kalagayan ng mga palaboy sa lansangan, mga nilalang na tila sukal nang lipunan na akala natin ay barya lamang ang katapat. Marahil kung ikukumpara sa iba, sila’y mayroong higit na pananalig sa Diyos at malalim na tiwala sa kapwa. Kung sila sana ang bibigyan man lang natin ng kaunting pansin at maituturing na isa sa atin… sana… ibida naman natin ngayon ang madalas nating nakikita sa lansangan. Oo. Mga pulubi. Tama ka. Siguro naman naranasan mo nang mahingan ng limos ng mga ito. Halos araw-araw sila ang laman ng kalye. Walang ibang trabaho kundi ilapat ang kanilang mga kamay at lata sa mga taong dumaraan sa harap nila. Hindi mo ba naisip na kailangan nila ang tulong mo? Hindi naman sa binubulabog ko ang konsensiya mo ah. Pero parang ganun na nga. Ikaw naman kasi ang higit na may pagkakataong mabigyan sila ng limos.
Oo, when you look on the other side, hindi rin naman natin masisisi an gating sarili. Kung tutuusin, hindi sila nagsikap na ihaon ang kanilang sarili sa putik na kanilang kinasadlakan. Pero sa kabilang banda, pahirap ang binigay sa atin ng gobyerno. Bulok ang sistema. Walang landas. Pati tuloy ang milyon milyong Pilipino kung san san napapadpad. Sariling bansa iniiwan. Patuloy na lumiliit ang budget na nakalaan para sa bansa dahil sa sarili nilang lukbutan napupunta ang malaking bahagdan nito. Sino ang higit na apektado? Hindi ba’t ta’yo rin naman? Kaya kung pulubi ja sa sarili mong pagkatao, tulungan mo ang sarili mo. ‘wag kang umasa sa mga taong susubo sa pagkain mo. Matuto kang kumilos ng tama at iwasto ang mali. Kabiganin mo ang sarili mo bago ang mga alien sa mundo.
***
Maraming nagsasabi na ang pagsusulat para sa mga kabataan ang isa sa mga pinakamahirap na klase ng pagsusulat. Kung tutuusin hindi naman mahirap ang pagsusulat. Hahawakan mo lang naman ang panulat kinatatamaran pa. pero hindi lang ‘yan ang puhunan sa pagsusulat. Sabi nga ni Bob Ong, maliban sa panulat at papel, lamesa at upuan, utak ang pinapagana pagdating sa pagsusulat.Pero kung wala ka ring namang inspirasyon, dahilan at pati na rin tiyaga sa pagsusulat, para ka lang pumunit ng papel na walang kadahi-dahilan. Nakakalungkot lamang isipin na iilian lamang ang nahihilig dito. Hmmm. Masyado na ata akong nakatuon sa tema ng pagsususlat hanggang ngayon kasi hindi ako makapaniwalang kaya ko palang maging isang manunulat.
“Maraming manunulat sa Pilipinas. Naglipana. Dahil ang totoo, ang bansa nating hikahos ay binubuo ng mga taong nag-uumapaw sa talento, hindi lang natin pinapansin o pinapahalagahan, nakakatawa nga minsan, pero totoong hindi binibigyang importansiya ang utak dito sa atin”
Napaisip ako sa sinabing ito ni Bob Ong. Sabay sulat sa mga nababasa mong susunod na mga salita. Kailangan pa bang mabahiran ng puti ang mga Pilipino para lang mapansin ang angking galing nito? Kailangan pa bang ipagkamatayan ng mga Pilipino para lang mapansing may natatago silang galing? Nakakadismayang isipin dahil sa mga tulad kong nagsisimula pa lang sa pagsusulat ay baka isuko ko na ang aking pangarap.

***
Medyo mahaba haba na rin pala ang nalalakbay ng aking panulat. Naiinis ako dahil nubos yung tinta ng paborito kong bolpen kaya bago at hindi ko gusto ang gamit ko ngayon. Pero hindi pa rin ako titigil. Hanggat hindi pa napapagod ang kamay ko sa pagsulat at mag-isip ng walang kakwenta-kwentang bagay, asahan mong ilang minute na lang matatapos na ‘to.
Marami na akong nasabi, pero hindi ko alam kung nakuha ko ang atensyon mong tapusin ang sinulat ko. Medyo naibsan na rin ang pagkainip ko, pero hindi pa rin natatapos mag-isip ang utak ko sak ung anong isusulat ko sa papel. Kaya eto may sasabihin pa ko.
“I write at eighty-five for the same reason that impelled me to write at forty-five; I was born passionate desire to communicate, to organize experience, to tell tales that dramatize the adventures which reader might have had. I have been that ancient man who sat by the campfire at night and retained the hunters with imaginative recitations about their prowess. The job of an apple tree is to bear apples, the job of a story teller is to tell stories, and I have concentrated on that obligation.”
- James Michner

Hindi ko alam kung hanggang saan ang maitatagal ng aking pagsusulat, nagsisimula pa lang ako pero natutunan ko nang mahalin ang paghawak ng anumang panulat na bagay. Bata pa ako, alam kong marami pa akong puwedeng magawang komposisyon. Bata pa ako, para magsulat na alam kong hindi biro at iilan lamang ang nahihilig dito. Pero gaya ng kanta, alam kong may katapusan din ang pagsusulat.

Gusto kong may maiwan akong magandang bagay bago pa man ako mamaalam sa buhay ko. Alam kong darating din tayo sa pagkakataong gagawa tayo ng paraan, may maiwan lang tayong isang magandang ala-ala na maaari nating ipamana sa pamilya ay magiging pamilya natin.

“Writing is an adventure. To begin with, it is a toy and an amusement. Then it becomes a mistress, then it becomes a master, then it becomes a tyrant, the last phase is that just as you are about to be reconciled to your servitude, you kill the monster and fling him to the public.”

- Winston Churchill

Marami pa kong gustong isulat, pero sa pagkakataong ‘to, gusto kong magpasalamat sa mga kinilala akong tunay na kaibigan. Sa totoo lang, ginawa ko ‘to para sa kanila. Kaya ilalaan ko para sa kanila ang espasyo ng papel na ito.

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga sandaling nakasama ko kayo. Alam kong nagsisimula pa lang mabuo ang samahan natin kaya makakaasa kayong mas marami pa tayong mapagsasamahan. Ilang buwan pa lang tayong nagsasama pero pakiramdam ko, sa bawat pag-uwi ko, parang tapos na ang araw ko kapag ‘di ko kayo nakikita. Salamat! Maraming salamat!

. . . @ # # * ! ! ? ? @ # & * * ? ? ! ! ! $ % ^ & * ( $ @ ? ? . . .

. . . Arriving at Araneta-Center Cubao Terminal station. . . paparating na sa Araneta-Center Cubao terminal station. . . @ # # * ! ! ? ? @ # ! ! . . .

^ Tangba Liwba, Tangba Liwba, Tangba Liwba. . .
Tangba Liwba, Tangba Liwba. . . Tangba Liwba. . . Tangba. . .
^ Anong ginagawa ko rito?!
^ Mama?! Bakit mo ko iniwan? Hindi ba’t nangako ka sakin?
^ Hoy! Akin na nga yang kotse-kotsehan ko! Agaw mo!!
^ Eh hindi naman turo sakin yan eh! . . .alam ko na!
^ Waaag!! Wag kang lumapit sa’kin!! Waag!! Araay!

- Dr. Toguin. . . paging Dr. Toguin. Your patient must have to be under control. Dr. Toguin please proceed to room 666.

^ Anong ginagaw mo sakin? Sulat lang naman ako ditto ah!
^ Nasan na sila?! Nipauwi mo nab a sila?! Sabihin mo balik balik sila dito ah?
^ Ano yan?! Waaag!
- Kanina pa ba nagwawala tang batang yan?
. . . opo Dok! Hindi na nga pa maawat eh
- Cge cge, ako na bahal rito. Asikasuhin mo na yung ibang pasyente run.

- Ibinilin ka sakin ng mga pamilya mo. Ang kaibigan na kinilala mong pamilya, iniwan ka. Walang nagmahal sa’yo. Inapi ka at lalong ibinaon sa lupa. Wag kang mag-alala, nandito lang ako para sa’yo. Gagamutin kita hanggang sa ika’y gumaling. Sa ngayon, matulog ka muna. Baka napapagod ka na. . .

^ Hindi ako titigil, minsan na ‘kong nangarap, kumilos at nabigo. Kung sa panaginip ko lang makikita at mararanasan ang mga mgagandang bagay, muli kong ipipikit ang aking mga mata. Kasabay ng pagkawala ng aking ulirat, ay ang panadaliang pagsukob at pagkalimot ko sa mga hindi kaaya-ayang bagay. At hanggang sa huli, sarili kong pagkatao ang huhusga sa mga kasamaang bagay na aking ginawa at maging sa kung ano ang narrating ko sa buhay.~

Tuesday, August 18, 2009

HUNTER X HUNTER: Ohayou song







Tanomi mo shinai no ni asa wa yatte kuru

mado o akete chotto fukaku shinkokyuu

fukuretTSURA no kimi

omoi dashite warau

KENKA shita yokujitsu wa

rusuden ni shippanashi daro

waraiau KOTO nanigenai kaiwa

mainichi no kurashi no naka de

dou datte ii koto

nani mo kangaezuni ukande kuru kotoba

"FU" to shita

shunkan ga taisetsu datte



Kimi ni "ohayou" tte itte MESSEEJI o nokoshite

boku no ichinichi hajime ni dekakenakya

marude nani mo nakatta mitai ni

denwa shite kuru kimi no koe ga suki nanda



Bukiyou ni natte ita nani ga jama shite

atarimae na koto ga futoumei ni natte

boku yori mo boku no KOTO o

umaku aiseru no wa

kimi shika inain datte

wakatte kuyashikattan dake do

sennyuukan tte jibun ni mo aru ne

douse DAME sa nante

jibaku mo sezuni

furidashi ni tatte tohou ni kurete mo

hajime no ippo sukuwarete miru



Kimi to kata o kunde kimi to te o tsunaide

koibito dattari tomodachi de itai kara

"ohayou" tte itte mata yume o misete

shizen na sono ikikata de ii kara sa



Minarete ita kimi no hen na ji mo

daiji na KOTOBA

kaku to shinsen ni mieru

sunao ni narenai sunao sa nanka ja

kimi ni nanni mo

tsutawaranai



mata "ohayou" tte itte mata yume o misete

kyou mo genki de sugosetara II yo ne

konna ni tanjun de atarimae na koto ga

hontou wa

ichiban miushinaigachi dakara ne



me o aketa mama

miru yumes

hiranai ashita e hakobu

Merry-go-round goes



Kimi to kata o kunde kimi to te o tsunaide

koibito dattari tomodachi de itai kara

"ohayou" tte itte mata yume o misete

shizen na sono ikikata de ii kara sa

Monday, August 17, 2009

TuyOng taLuLoT ng rosas sa CuBao


Tahak ng mga paang nangungumaliw sa panahong ligaw sa daan,
Hamak ang mga pagsubok ng mapaglarong mundo;
Isang panahon at lugar kung saan naging saksi ang madla,
Isang bangungot na patuloy na gumigimbala sa laman.

Nakaupo. Tulala. Lumuluha sa kanto ng sikat na tanghalan,
Patuloy na naghihintay sa isang pagmamahalang kinapos;
Nakagapos ang pag-asang ako'y iyong muling tatalikdan,
Sa oras na mawala ang pilat na iniwan sa isang pusong hikahos.

Pilit kong tinalikuran ang kahapong sumugat sa kasalukuyan,
Ngunit patuloy akong kinakalaban ng 'yong bangungot nang nakaraan;
Kung paanong muli babalik ang mga ngiti sa aking labi,
Pagmamahal mo'y siyang nais pa ring maikubli.

Oh anong hirap nang isang taong umiibig,
Kung sa oras ng kagipitan ay walang kakalingan;
Hirap at pagdudurusa'y sa'yo pa rin nakakilig,
Oh ang 'yong init nang yakap at halik ang siya pa ring aking laban.

Ikaw na sa aking piling ang bumuo sa pira-pirasong pangarap,
Ang kalakasan ng bawat pulsong uhaw sa iyong kalinga;
Ngunit ang Ikaw na siya ring sandigan at hanap ng aking lasap,
Ang siya ring kahinaan sa tuwing ako'y tanga.

Bakit nagkaganito ang kalagayan nang ating pagsasama?
Hirap at pagdurusa ng bawat isa'y 'wag nating hayaang mabalewala;
Bakit tayo nalagay sa isang sitwasyong kumplikado para sa ating dalawa?
Oh anong hirap kung umibig ang pusong walang humpay na magmahal.

Hayaan mong gawin kong muling mapupula ang mga nanuyot na talulot ng rosas sa Cubao.
Na siyang naging gana at sigla sa mga oras ng ating pamamasyal;
Hayaan mong hilumin ko ang sugat na bakas na iniwan sa atin ng Cubao,
Nang mamayaning muli ang dating hagikhigang dasal.

Oh sana'y ika'y muling makapiling,
Sa mga oras na ako'y namumutawi;
Pagtanggap at paglimot sa bangungot ng kahapon ang siyang tanging hiling;
Bawi at himok sa katatagan nitong pag-ibig ang siyang aking bawi.

Tuesday, August 4, 2009

aNg superHEROng pilaY


Wala ako sa kamalayan nang magsimula akong maging isang tagapagligtas ng aking sandaigdigan. Ni hindi ko nga rin alam kung panu ako nagsimulang makapagbigay ng aking tulong para sa iba eh. Ngunit kung ating susumahin at iisipin sa isang negatibong pananaw, may maganda bang naidudulot ang pagtulong para sa ilan na alam naman nating kaya naman nila ito kahit wala ang tulong ng iba? Damn it!

Hindi mabait?! Actually ang bait makikita lang yan sa isang taong may bait sa sarili. Oops...don't get me wrong, kahit papano naman may bait ako sa sarili. 'yun nga lang madalas itong absent, madalas present na naipapakita ko hindi sa aking sarili kundi sa ibang tao. Ayoko rin namang sabihing matalino akong tao, (kahit 'yun ang totoo) haha! gago! ayoko lang sabihin o isipin kong isa akong mangmang. Dapat nga wala sa bokubolaryo nating mga Pilipino ang pagiging bobo o mangmang eh. At bakit? alam mo ba kung ano ang buong kasaklawan ng salitang BOBO? aba! mahusay ka! hindi ka nga bobo!

Bakit? sino ka bang gunggong ka? hindi mo ba nakikilala ang sarili ko? masyado ka na atang maangas dude!!! bakit? kaya mo na ba ang bait jan sa loob mo?

Hindi pa nga sadyang nahuhubog ang buo kong kamalayan at pagkatao sa mga bagay bagay na akala ko'y wala sa mundo ko...masyado pang mahina ang tuhod para ilaban sa isang Bull fighting! asan ang apog mo! ulol!! hamunin mo sarili mo!

Maraming karanasan sa ating buhay ang tayo'y nawawalan ng bait sa sa sarili. Literal man nating sabihin na baliw o kung ano man, wala pa rin yung tinatatawag na pagmamahal sa sarili. Paano nga ba ako magsisimulang muli? Paano ko bibigyan ng pag-asa ang aking sarili gayong wala naman akong naaaninag na liwanag na mula sa kung saan. Marahil ay sadyang ayaw ko lang lingunin ang tamang landas. saan na nga ba ako patutungo?

Marami ang nag-offer. Marami rin ang pumansin. Mas lalo namang marami ang snobish. Ang choosy! wala namang dapat pagpilian! Gago! sa akin ka rin babagsak! tandaan mo yan! ako lang ang superHERO mo!! ngayon? kayang-kaya kong simulan 'yan! hindi sa kapwa ko o sa ibang tao kundi sa aking sarili. masyado na kong naagrabyado. tangina! haha! wala namang dapat ibang sisihin. Ako. ako. ako. ako ang lahat ng may kagagawan kung bakit ganto ako ngayon. Bakit? sinisi ba kita? hmmm...May makaintindi pa kaya? o sadyang ayaw ko lang pakinggan ang sasabihin ng iba?

Ngayon, handa na kaya akong harapin ang isang pagiging superhero ng aking sarili? kung marami akong nailigtas na ibang tao at ilayo sila sa madilim na kahapon, kaya ko na kayang tulungan ang aking sarili bago ako muling maging superHERO sa iba? Ayoko nang magsinungaling. sa huli ako rin naman ang talo. para saan pa kung muli kong bubuksan ang piping puso sa katotohanang pangyayari.

Hindi na ako ang superhero niyo ngayon. Hindi na ako ang superherong pilay sa sarili kong pagkatao. Hindi ako ang superHEROng pilay na hindi kayang tulungan ang sarili ko.
Ako na ngayon ang superherong tutulong para sa pagkatao ko.

Ako. Bilang iisang ako. ang superHEROng ako...

i HaTe gOodbYes>>>...


How will I get rid to this intense feeling of broken shield in my heart?
If no one else could make things possible in this world but YOU.
YOU that is someone I only NEED to swab this extreme pain in me.
How will I get over this great delusions in me if something
has never been built as a development?

A reminiscent of curse that will never be banished.
I hate this feeling of almost reaching the end.
If only I could do everything just to bring back the moments of gold together.
Sharing our laughter of tears.
Enjoying the warmth of our embraces.

How i wish that we are always been the same as what we were before.
How i wish that nothing had happened before.
That sooner or later, the real me can easily be brought back by YOU.
That sooner or later, the tenderness of your kiss would carried out again in YOU.

I really HATE this part of hearing GOODBYES in YOU!
I really LOVE this part of FOOLing myself that you are just falsifying me.
I REALLY REALLY HATE THIS PART!!!!!!!!
I HATE THE FACT that Your world is NOT already mine!

I HATE GOODBYES!!!