This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Thursday, November 4, 2010

Facebook

(Matagal-tagal na ring hindi nahahasa ang utak ko sa pagtitika ng mga makabuluhang bagay para sa blog na 'to. wala lang, naisip ko lang na magtype ng kung ano-anong pwedeng maisip. nagbabakasakaling may masabing maganda't may katuturan. hindi ko alam kung ano ang magiging titulo nitong tinatayp ko. bahala na kung san dalhin ng utak ko ang mga sasabihin ko)

maraming araw na ang dumaan. maraming beses na rin akong naupo sa upuang ito kaharap ang computer na naging daan para mas mahasa ang utak ko. ngunit mas madalas ang pagfe-facebook, nuod ng kung ano-anong magagarang video sa youtube at kung ano-ano pang pagbbrowse sa internet ang ginagawa ko sa halip na magpakahenyo sa aralin.

normal 'yan sa pang-araw-araw kong ritwal simula paggising sa umaga. hindi ko pa napupunasan ang natuyo kong laway sa gilid ng labi at sundutin ang mga matang puno ng muta na minsa'y tuyo o basa ay isasaksak ko na agad ang computer para magbasa ng mga latest posts sa facebook wall ko, maghain ng mga putahe sa restaurant city, magcheck ng account sa yahoo. at kung pakiramdam ko mejo outdated na ko sa pangyayari sa lipunan, pagbabasa ng balita sa Inquirer.net ang inaatupag ko. kung minsan naman bubuksan ko lang siya para makinig ng mga musikang paulit-ulit kong pinapatugtog.

"Ang aga aga bukas nanaman 'yang computer!!! langya talaga kayo"

'yan lang ang isa sa mga dahilan kung bakit madalas sa umaga'y walang tigil sa panenermon ang nanay kong si Susan. tsk tsk! pagbangon na pagbangon nun bubuksan ang pintuan ng kwarto namin at sisilipin kung may nakaupo sa monoblock. asahan mong ultimo pag-upo niya sa bowl para umihi ay di pa rin natigil sa panenermon. . .

"Kayo kaya ang magbayad ng kuryente!"

. . .at 'pag ganun, dederetso ako sa kusina para asikasuhin ang mga 'di pa nahuhugasang pinggan. pagtapos nun, magttwitter na ko't kunwari'y magbubukas ng word document para masabing may importante akong ginagawa.

ano nga ba ang mga nagagawa kong mabuti sa araw-araw? kung ang pagiging mabuti para saki'y makagamit ng computer upang mabuo ang araw ko? maaring sa ila'y hindi mainam ang ganitong gawain pero higit itong nakakapagbigay saya at buti lalo pa't nakasanayan ko na. sadya ngang mahirap ng basagin ang pagiging adik sa kung anong bagay. pero hindi rin! nakakaya ko pa namang hindi magbukas ng facebook account sa loob ng isang araw.

mga kano ang nangungunang dami ng bilang ang gumagamit ng facebook. gaya ng karamihan, akala ko kasama sa top10 countries using facebook ang 'pinas. hindi pala. halos lahat ata kasi ng kilala ko may facebook account na ginagamit liban na lang sa mga uugod-ugod na. minsan nga ung anak na 2years old gagawan na ng account at pati si lolo't lola tuturuan na ring magpaka-techie.

laking tulong nga naman ng facebook!

(wala na kong maisip na susunod na sasabihin. kaya gaya ng kantang "The Yes yes schow" ng parokya. ganto na lang bigla na lang mawawala. . .)

FACEBOOK