This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Monday, April 27, 2009

ULTIMO PISO (Ginto ng karangalan)


Malayo pa ang umaga, ‘di matanaw ang pag-asa.
Hanggang kailan matitiis ang pag-hihirap ko?
At sa dilim hinahanap ang pag-asa na walang landas.
Kailan ba darating ang bukas para sa akin?
Malayo pa ang umaga.

~Cattleya Malonzo

Hindi nalalayo ang aking pangarap sa mga kabataang nais makatikim ng kaginhawaan sa buhay. Mga batang abot pangarap ang pag-aasam sa mga masasarap na putaheng maihahain sa kanilang hapag kainan. Sino ang mas nararapat na mapabilang sa pagkakaroon ng marangyang buhay? Sino ang mas higit na nabibigyan ng pagkakataong marinig ang bawat hinaing ng bawat isa?

Sa patuloy ng pagpupumiglas sa mga rehas ng nakagapos sa mga kamay at paa, hatid nito ang isang hustisyang nais nating ipamukha sa lipunang ating ginagalawan. Karamihan sa kanila ay mas piniling akuin at tanggapin ang buha’y na minsa’y hindi naman nila aakalaing kanilang kakahantungan. Mas pinili nilang maging makuntento at tanggapin kung anumang estado ng buhay ang ipinagkaloob sa kanila. Mas pinili nilang harapin ang hamon sa kanilang buhay kung paano nila lalabanan ang mga kumakalam nilang sikmura.

Nung bata ako, hindi ko alam ang halaga ng bawat pisong ginagasta ko. Basta may makuha akong bagay mula sa baryang aking ginasta, masaya ako. Wala akong pakialam, kung san man nanggaling ang ginasta ko. Basta masaya ako at nakuntento sa bagay na nakuha ko. Ngingiti na ko. Bili rito, bili roon. Gastos dito, gastos doon. Ano nga ba ang halaga ng piso sa isang musmos na tulad ko? Ano nga ba naman ang kakarampot na barya para sa isang musmos na gaya ko? Kung ang kapalit naman ng bawat paggasta ay ang pag-ngiti ng aking mga labi at ng hindi matatawarang sukli ng kaligayahan. Ano na nga ba ang halaga ng bawat piso para sa mga tao?

Ang piso ng Pilipinas ay ang opisyal na pananalapi ng bansa. Nagmula sa salitang kastila na 'peso' ang piso na nangangahulugang “timbang”. Nahahati ito sa isandaang sentimos. Ang “PHP” ay ang kodigo nito sa ISO 4217. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang naging kolonya ng Espanya na gumagamit ng piso bilang kanilang pananalapi, katulad ng bansang Mexico, Colombia at Argentina. Noong Oktubre 2005, ang suplay ng piso ng Pilipinas ay umabot ng 56902 bilyong piso.

Hindi na nga mapipigilan ang pagbaba ng piso sa merkado. Halos hindi ka na mabusog sa katumbas ng isang dolyar sa piso. Ano pa nga ba ang patutunguhan ng ganoong kaliit na halaga? Ngunit kayamanan kung ituring ito ng ilan, katumbas ng kanilang ginto ng kaligayahan at karangalan ng kanilang buhay.

Para sa mga kumikita ng dolyar tulad ng Overseas Filipino Workers (OFW’s), sa unang tingin ay hindi mainam ang nangyayari ngayong paglakas ng piso kumpara sa dolyar. Maiintindihan naman natin ang sentimyento ng mga pamilyang nakatatanggap ng dolyar mula sa mga mahal sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa. Mas magandang tumaas ang palitan (o humina ang piso) dahil mas maraming piso ang maipapalit sa bawat dolyar. Ibig sabihin, kahit na hindi tumaas ang ipinapadalang dolyar ng OFW’s, mas darami ang makukuha ng mga pamilyang naiwan sa Pilipinas sa sitwasyong mahina ang piso kumpara sa dolyar.

Simple lang naman ang lohika: mas maraming pera, mas maraming mabibili at maiimpok. Magkakaroon ng alokasyon hindi lang para sa mga batayang pangangailangan kundi para sa mga luho. Pero alam mo bang ang kabaliktaran (o ang malakas na piso) ay dapat na mas maganda para sa ating ekonomiya? Tandaan nating mas mababa ang halaga ng importasyon kapag mababa ang palitan ng piso kumpara sa dolyar. Sa pagbili ng mga imported na produkto at serbisyo sa mga dayuhan, ang Pilipinas ay nagbabayad sa kanila ng dolyar. Mas mababa ang palitan ng piso, mas kaunting piso ang kailangan kapalit ng dolyar.

Sa isang sitwasyong mataas ang palitan ng piso sa dolyar, nagkakaroon ng ilusyong may malaking pakinabang ang mga kumikita ng dolyar tulad ng OFW’s. Pero totoo mang mas maraming piso ang maipapalit sa bawat dolyar, ang “kaligayahan” ay pansamantala lamang dahil ang mataas na palitan ng piso kumapara sa dolyar ay mangangahulugan ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo kahit na hindi ito agad-agad na mapapansin.

Sinasabing ang salapi ay hindi basta-basta. Kaya nitong kumitil ng buhay ng isang tao. Ang pera ay kayamanang maituturin ng ilan ngunit ni minsan at hindi kailanma’y kayang pantayan ng salapi ang lahat ng bagay sa mundo. Dugo at pawis nga naman sabi ng nakararami ang puhunan at nakataya upang magkaroon ng panggastos sa araw-araw.

Sa salapi na nga ba umiikot ang buhay ng tao? Salapi nga ba ang dahilan ng bawat isa sa atin kung bakit tayo tumapak sa apat na sulok ng silid-aralan ng paaralang ating pinasukan? Sa pera na nga ba nakasalalay ang magandang kinabukasan ng bawat isa sa atin?

Hindi na nga mapipigilan ang paglobo ng populasyon ng bansa, ngunit ikaw bilang isang mamamayang Pilipino, may naisip ka bang kaparaanan kung paano itataguyod ng bawat Juan dela Cruz ang bansang Pilipinas? Patuloy ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa, tila isang kumunoy na humihila sa ating paanan pababa. Dumarami ang mga taong mang-mang at walang pinag-aralan. Patuloy na dumarami ang hindi man lang nakapasok ng paaralan. Dumarami ang bilang ng mga hindi marunong bumasa at sumulat. Mga taong isinakripisyo ang kanilang mga pangarap sa buhay bunsod ng mga kumakalam na sikmura. Ngunit may magagawa nga ba sila? Kung ultimo piso na sana’y ipandaragdag nila sa pamasahe papuntang paaralan at nakalaan na para sa kanilang ipanlalamang tiyan? Kung ultimo piso ng kanilang kabuhayan ay hindi sila maidala ng sasakyang maghahatid sa marangyang buhay na gusto nilang kabilangan? Sayang nga naman ang mga pagkakataong pinalipad at itinapon natin sa himpapawid. Maraming nagkibit-balikat. Walang pinatunguhan. Maraming nasayang. Maraming walang kinalagyan.

Ako, bilang isang estudyante at mamamayan ng bansang hindi nawawalan ng pag-asang makaahon, ay patuloy na mangangarap at magpupumiglas sa mga nakagapos kong mga pangarap. Patuloy na hindi hahayaang hindi mapakinggan ng kapwa ko Pilipinong patuloy na nagugutom at naghihirap. Minsan na kong nangarap, kumilos at nabigo. Kung sa panaginip ko lang makikita at mararanasan ang mga magagandang bagay, muli kong ipipikit ang aking mga mata. Kasabay ng pagkawala ng aking ulirat, ay ang panandaliang pagsukob at paglimot ko sa mga hindi kaaya-ayang bagay. At hanggang sa huli, sarili kong pagkatao ang huhusga sa mga kamaliang bagay na aking nagawa, at maging sa kung ano ang narrating ko sa buhay.

Isa akong lakas at utak sa lipunang aking kinabibilangan. Ito ang aking maipagmamalaking kayamanan ng aking buhay. Alam komg may kaya akong gawin na naiiba sa lahat. Hindi lang basta piso sa aking lukbutan ang maituturin kong ginto ng aking karangalan. Kaalaman, karukhaan at katibayan. Ang aking baon sa araw ng aking pag-alis. Sandata at kalasag sa mga pumipilay ng aking mga paa.

Wednesday, April 22, 2009

Once I became a Penholder



Reverence for life affords me my fundamental principle of morality, namely, that good consists in maintaining, assisting and enhancing life and that to destroy, harm, or to hinder life is evil. Affirmation of the world – that is affirmation of the will to live, which appears in phenomenal forms all around me – is only possible for me in that I gave myself out for other life.
How is one to live a moral and compassionate existence when one is fully aware of the blood, the horror inherent in life, when one finds darkness not only in one’s culture but within oneself? If there is a stage at which an individual life becomes truly adult, it must be when one grasps the irony in its unfolding and accepts responsibility for a life lived in the midst of such paradox. One must live in the middle of contradiction, because if all contradiction were all eliminated at once life would collapse. There are simply no answers to some of the great pressing questions. You continue to live them out, making your life a worthy expression of leaning into the light.
When I was a young boy, young enough to make my dreams possible and clearly visible in my thoughts, I wanted what many people around me during my childhood days wanted. I wanted to be dressed like what doctors wear on, carry the suitcases like what businessman do, drawing a plan for a building in an enormous sight of construction area, with these lots of construction workers obeying my plea. But above all these great delusions of mine are going to ruin if I weren’t able to consider that I want to eradicate the feeling of apprehensiveness in leaning forward to achieve my tremendous dream of being a penholder.
Every person can be a penholder from their selves. Write what they want on a clean sheet piece of paper, say what they want, and discuss what they want. You are being freed, once you became a penholder from yourself. That’s why being a penholder for me, is one thing I always wanted to be with. A penholder must have a stand on its own, must have a stand that he/she can depend on. As its purpose to make a judgment in every statement that he/she writes on a paper.
Whenever I came to the point of being an obsessive writer, I see to it that in every manuscript I accomplished, I make sure that it’ll be a paper of knowledge and favorable to the majority of my readers.
As a dream catcher of my own thoughts, I must have a goal of being a successful person someday. Being considerate on what’s going to be more likely wanted to be happened of my relatives in my life is one of the factors I always account on. Because there’s always one thought in the back of my mind of not making them disappointed in every action and decisions I come up into my life.
I always ponder of having a white collar job someday. Using my great minds, great powers and talent as well in a field that I really like most to be part with – media.
Every writing instrument that comes into my life has its different meanings. A pencil in which every word I write, in every shape I draw, is my stepping stone for another step in my ladder’s life.
As Bestrand Russel says that three passions have governed his life: (1) the longings for love, (2) the search for knowledge, (3) and unbearable pity for the suffering of humankind. Love brings ecstasy and relieves loneliness. In the union of love I have seen, in a mystic miniature the prefiguring vision of the heavens that saints and poets have imagined. With equal passion I have sought knowledge. I have wished to understand the hearts of people. I have wished to know why the stars did shine. Love and knowledge led upwards to the heavens but always pity brought me back to earth; cries of pain reverberated in my heart of children in famine, of victims tortured and of old people left helpless. I long to alleviate the evil, but I cannot and I too suffer. This has been my life; I found it worth living.
And now, that I was almost at the end of my journey in college life, that I almost foresee the near future of mine, that I was being freed by my pen, I am now ready to fight for everything, to face any hardship according to the will of God. That every actions and decisions I made, no one will get crash through.
I am Jesus Bello Guinto, a penholder, being freed by my pen.