This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Thursday, December 9, 2010

Buntong Hininga


Mahirap itago.
Mahirap ikubli;
Mahirap mabobo sa sitwasyong
walang sukli.


Mahirap tumakas.
Mahirap umiwas;
Mahirap yumakap sa ala-alang
yayakap din sa hukay.


Mahirap ngumiti.
Mahirap umalalay;
Mahirap kumapit sa hinuhang
akala mo'y gising.


Mahirap dumantay.
Mahirap sumandal;
Mahirap kumutan ang mainit na nanlamig.


Mahirap kumilos.
Mahirap umasa;
Mahirap magpatuloy sa napipinto
nitong pagwawakas.


Mahirap umawit.
Mahirap sumabit;
Mahirap magpigil ng luhang nangingilid.


Mahirap isipin.
Mahirap kalimutan;
Mahirap magpakumbinsi sa reyalidad
na ayaw paniwalaan.


. . .

Ngunit may buhay nga kayang nagsasabing magpapadali sa lahat ng mahirap?

ikaw? minsan ka bang nahirapan?
o sadyang pinahihirapan mo lang ang 'yong sarili?


sa bandang huli. . .


makalagpas ka kaya?

Mahirap. . .
Mahirap. . .
Mahirap. . .


Mahirap tumawid sa tulay na alam mong balang araw ay mapuputol din.