This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Monday, August 17, 2009

TuyOng taLuLoT ng rosas sa CuBao


Tahak ng mga paang nangungumaliw sa panahong ligaw sa daan,
Hamak ang mga pagsubok ng mapaglarong mundo;
Isang panahon at lugar kung saan naging saksi ang madla,
Isang bangungot na patuloy na gumigimbala sa laman.

Nakaupo. Tulala. Lumuluha sa kanto ng sikat na tanghalan,
Patuloy na naghihintay sa isang pagmamahalang kinapos;
Nakagapos ang pag-asang ako'y iyong muling tatalikdan,
Sa oras na mawala ang pilat na iniwan sa isang pusong hikahos.

Pilit kong tinalikuran ang kahapong sumugat sa kasalukuyan,
Ngunit patuloy akong kinakalaban ng 'yong bangungot nang nakaraan;
Kung paanong muli babalik ang mga ngiti sa aking labi,
Pagmamahal mo'y siyang nais pa ring maikubli.

Oh anong hirap nang isang taong umiibig,
Kung sa oras ng kagipitan ay walang kakalingan;
Hirap at pagdudurusa'y sa'yo pa rin nakakilig,
Oh ang 'yong init nang yakap at halik ang siya pa ring aking laban.

Ikaw na sa aking piling ang bumuo sa pira-pirasong pangarap,
Ang kalakasan ng bawat pulsong uhaw sa iyong kalinga;
Ngunit ang Ikaw na siya ring sandigan at hanap ng aking lasap,
Ang siya ring kahinaan sa tuwing ako'y tanga.

Bakit nagkaganito ang kalagayan nang ating pagsasama?
Hirap at pagdurusa ng bawat isa'y 'wag nating hayaang mabalewala;
Bakit tayo nalagay sa isang sitwasyong kumplikado para sa ating dalawa?
Oh anong hirap kung umibig ang pusong walang humpay na magmahal.

Hayaan mong gawin kong muling mapupula ang mga nanuyot na talulot ng rosas sa Cubao.
Na siyang naging gana at sigla sa mga oras ng ating pamamasyal;
Hayaan mong hilumin ko ang sugat na bakas na iniwan sa atin ng Cubao,
Nang mamayaning muli ang dating hagikhigang dasal.

Oh sana'y ika'y muling makapiling,
Sa mga oras na ako'y namumutawi;
Pagtanggap at paglimot sa bangungot ng kahapon ang siyang tanging hiling;
Bawi at himok sa katatagan nitong pag-ibig ang siyang aking bawi.

No comments:

Post a Comment

Magkomento ka na!