This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Saturday, August 22, 2009

NapaTaWad ka Na NaMiN


Kung bakit wala itinuro si Alcantara’y
‘di ko alam.
Sa mga pagkakataong ako’y nasa kanyang klase’y
wala akong magawa.
Depenisyon ng Etiketa’y di namutawi, Etiketang
imoral patuloy sa pang-aasar.
Kung kaya’t ang kaalaman sa tinaguriang asignatura’y
nananatiling upos na pluma.
Daig pa ang lapis na mapurol pagkat natatasahan
siya’y bula, lumisan, bastusan.
Oh anong linlang ng ‘yong kaalaman
ang sa ami’y hated.
‘Wag mong panindigan o tuluyang patunayan
na sa pagtanda ng tao’y nakakalimot na.
‘Pagkat ang ‘yong bakas na minantsaha’y
patuloy na sasariwain ng aming isipan.
Naisip ko nga. Noon panahong iyon, di ka ba kinidlatan?
natalisod sa bato o nakagat ang sariling dila?
Yaman din lamang na ika’y nagdala ng isang
Delubyo sa aming buhay-pag-aaral,
Delubyong anino, puti ang kulay.
Aanhin namin ngayon ang ‘yong grading bigay?
Dahil sa huli’y hindi ikaw ang
magdidikta ng aming kapalaran.
Marka’y kambal mo, numero mismo.
Pinagbilang mo lang kami ng oras at araw nag into.
Sadya ngang naligaw ang aming landas
nang tayo’y nagkasalubong sa daan.
At ako’y nagigimbal sa tuwing napag-uusapan
sa asignaturang Etiketa, anong natutuhan?
Kaya’t ng aking lisan at suungin ang
bagong liwanag ng aking landas,
Klaskards na uhaw, silya mong naiwan, araling nagtampo---
lahat nagsusumamo.
Bilang ganti, tahakin mo ang nambubulabog
naming pangongonsensya sa’yo.
Ngunit wag kang magmukmok kung mabasa mo ito
di ka nag-iisa, sa pamantasan, maraming gaya mo.
Ngunit ang ikaw ay mananatiling ikaw
Gayong mga estudyante mo’y patuloy na
makikibaka sa karapatang pang-edukasyon.


Agosto 20, 2009
-naisulat ang tulang ito sa aklatang-bayan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, kasama ang malikhaing pag-iisip ni Jerome P. Lucas.

No comments:

Post a Comment

Magkomento ka na!