This is my ANCESTRY, my BEQUEST, and my ASSET to the ANCESTOR of all CREATORS...

Wednesday, June 16, 2010

taniKALang buhaY


Nakatingala sa Langit,
ang mga matang nangungumaliw;
mga mata mong sing ning-ning ng mga tala sa langit,
ang siyang pinakatatanging mamaliw.

Mga yakap mong mahigpit ng bumibigkis,
ang sa aki'y siyang naglalaro sa 'twing nalulumbay;
yaman ng 'yong kalingang minsa'y lumilihis,
ang mananatiling aking nais mabaybay.

Aking inaalala sa 'twing ako'y matutulog,
mga halik na nagbibigay pag-asa;
kaya sa panalangin aki'y ipinadudulog,
sa maykapal muling makapiling at mahagkan ka!

Yakap at halik mo pa rin ang nanggigising,
sa bawat umagang puno ng kaligayahan!
Kaya mga kamay mo'y sa akin ibaling,
Patuloy nating bagtasin ang landas ng ating naumpisahan.

: Naisulat ang tulang ito noong Hunyo 14, 2010

No comments:

Post a Comment

Magkomento ka na!